Maris Racal idinaan sa kanta paghingi ng tawad

MAPAPAKINGGAN na ngayong araw ang single ng aktres na si Maris Racal na may titulong “Perpektong Tao.”

Sa Facebook post, ibinida ni Maris ang mga photos niya na hawak ang record. “Hi FB. I’m back,” aniya sa caption.

Sinabi ni Maris na ginawa niya ang kanta sa kasagsagan ng isyu sa kanila ng ka-love team na si Anthony Jennings.

“Writing this song healed me in ways I never thought possible,” lahad niya.

“It was born from a journey through pain, regret, and the courage to seek forgiveness, a reminder that even in our darkest moments, we can find light. I’m sharing this with the world, hoping it resonates with those who need it most,” paliwanag pa ni Maris.

Ilang linya sa kanta:

“Tigil nang bait-baitan. Yan ang paraan. May nasasaktan.” 

“Hanggang ngayo’y umaasa. Sa wakas nitong pagdurusa. Nakaluhod na sa masa. Nilalasap na ang aking karma… Mapapatawad n’yo pa ba ako. Binabago na ang buong pagkatao ko.”