ISINAPUBLIKO ng host na si Mariel Rodriguez na isa lang ang kanyang kondisyon nang pumayag siyang pakasal kay Sen. Robin Padilla: wala itong pakakasalan na iba.
Sa “Fast Talk with Boy Abunda,” ibinahagi ni Mariel na sa mahigit isang dekada ng pagsasama nila ni Robin, na isang Muslim, ay nananatiling tapat ito sa kanya.
“They really are allowed to marry four but I have only one condition, it can only be me. That’s it. Everything else, I can do it, no problem,” paliwanag ni Mariel.
“And to this day he’s working very hard to keep that promise,” dugtong niya.
Pumayag naman si Robin sa kanyang kondisyon, ani Mariel, kapalit ng hindi niya pakikialam sa mga anak nito at sa atensyon na ibinibigay nito sa Mindanao.
“When I got into the relationship, Robin was very clear, ’yung untouchable sa kanya is Mindanao and his children. So never ko ’yon ginagalaw. The time that he gives Mindanao, ’yung donations, service,” dagdag ng dating Pinoy Big Brother host.
Kaugnay nito, sinabi ni Mariel na hindi pantay ang papel nila ni Robin bilang mag-asawa.
“Yung respect sa isa’t-isa is pantay pero I still believe, call me old-fashioned, but the girl should be submissive to the husband. I also believe that babae ang nagdadala ng marriage,” paliwanag ni Mariel.
“I believe it can never be really pantay. [Pero] I want the people to know that women have the right to give the go signals. Tayo ‘yung magsasabi ito ang magaganap,” dagdag niya.