PASOK na rin ang aktres at TV host na si Mariel Padilla sa magbubukas na broadcast network na pag-aari ng mga Villa na AllTV.
Pumirma ng kontrata ang misis ni Senador Robin Padilla sa Advances Media Broadcasting System na pag-aari ng dating senador at negosyanteng si Manny Villar.
Sa kanyang post sa Instagram, sinabi ni Mariel na hindi na niya pinag-isipang mabuti ang pagsali sa AllTV.
“The easiest decision I have ever made. I knew right away I wanted to be part of AllTV. Extremely grateful!!!! Thank you soo much AMBS for the trust,” pahayag ni Mariel.
Sa pirmahan ng kontrata, kasama ni Mariel ang kanyang manager na si Boy Abunda, si Villar at anak nitong si Las Pinas Rep. Cammile Villar, AMBS Chief Finance Officer Maryknoll Zamora at AMBS President Maribeth Tolentino.
“To my husband, children and my whole family who have given me their blessings… thank you! So excited for the infinite possibilities we can do together!!!!,” dagdag pa ni Mariel.