Maricar Reyes muntik mabulag

ISINIWALAT ng dating aktres na si Maricar Reyes na muntik na siyang mabulag dahil sa  kanyang colored contact lenses.

Kuwento ni Maricar sa TikTok:

“Three days akong halos bulag dahil sa maling pagsuot ng contact lens.

“I’d wear them to taping for 12, 15 hours. Minsan nga expired ‘yung suot ko, Okay lang, walang issue.

“But a few months ago, after wearing my colored contact lenses for about 12 hours, nakaramdam ako ng konting pain sa mata. But I thought it’s just normal, pagod lang. So tinanggal ko ‘yung contact lenses ko before going to sleep at natulog na ako. Then at around 3 a.m., nagising ako to the most excruciating eye pain in my entire life.”

Agad siyang nagpadala siya sa ospital dahil sa sobrang sakit.

Matapos bigyan ng gamot ay pinauwi na siya, pero muling sumakit ang kanyang mga mata kaya bumalik uli siya sa ospital.

“So for the next three days, halos hindi ko madilat ‘yung mga mata ko sa sobrang sakit at maga,” ani Maricar.

Napag-alaman na nagkaroon siya ng “corneal abrasions” o gasgas sa mga mata.

“Maximum eight hours lang dapat sinusuot ang contact lens at hindi ko namalayan na expired na pala ‘yung gamit ko that day,” paliwanag niya.

“Naging iresponsable ako. Masyado akong naging kampante kasi for many years, walang masasamang nangyayari,” pag-amin niya.

“After 7 days, gumaling naman ‘yung mga gasgas ko sa mata. Sabi ng ophthalmologist ko, napakaswerte ko daw dahil sa laki ng mga sugat ko sa mata, pwede akong magkaroon ng mga peklat or mga puti-puti sa paningin ko, habang buhay,” ani Maricar.