NAIYAK ang aktres na si Marian Rivera nang mapanood ang performance ng anak na si Zia Dantes sa isang school event.
Ani Marian sa Facebook post, proud siya kay Zia dahil hindi ito natatakot sumubok ng mga bagay sa labas ng kanyang comfort zone.
“Pumatak ang luha ko sa panonood sayo habang nag rerehearsal ka. Ito ang una mong pagkakataon na sumubok sa mga bagay na hindi ka pamilyar pero sinubukan mo, as in literal eto ang first time mo tumuntong sa entablado para kumanta,” mensahe ng aktres sa anak.
Kinanta ni Zia, na tinawag niyang “My Sunshine, ang “Rise Up” ng US singer na si Andra Day.
“Palagi mong tatandaan nandito kaming pamilya mo susuporta sayo hanggang kung saan ka dalahin ng mga pangarap mo. Sabi ko nga sayo lahat ng biyayang ito ay nag mula sa kanya at iaalay natin sa taas. You make mama proud as always!” dagdag ng Kapuso Primetime Queen.
Sa hiwalay na post, inulit ni Marian na ipinagmamalaki niya ang panganay nila ni Dingdong Dantes.
“You made Mama so proud! Remember, I’m always here to support you. Keep dreaming big mahal!” sambit niya.