Marco Gumabao pinutakti ng fans: ‘Wala na ba kayo ni Cristine Reyes?’

HINDI na mahagilap ngayon ang Instagram account ng aktres na si Cristine Reyes kaya hula ng mga netizens ay break na sila ng boyfriend na si Marco Gumabao.

Lalo pang tumindi ang kutob ng mga fans nang hindi umano dumalo si Cristine sa 30th birthday party ni Marco.

Sa post ni Marco sa IG kaugnay sa kanyang kaarawan, kinalampag ng netizens ang aktor ukol sa status nila ni Cristine.

“Wala na kayo ni AA? Sayang naman.”

“Where is Cristine? Are you still okay?”

“Wala na ba kayo ni Tin?”

“Bat wala si AA sa celebration.”

“Napansin ko lang bat wala si Cristine Reyes sa celebration.”

“Nakakalungkot naman.” Hindi naman sinagot ni Marco ang mga tanong at komento ng mga ito.