Marc kay Danica: Salamat sa pagmamahal mo sa amin ng mga bata

NAG-post ng mensahe sa kanyang social media accounts ang basketball player na si Marc Pingris para sa asawang si Danica Sotto na nagdiwang ng kanyang ika-42 kaarawan nitong Biyernes.

Sa Instagram, ibinahagi ni Marc ang larawan nilang mag-asawa na kasama ang tatlong anak.

“Happy b-day @danicaspingris. Salamat sa pagmamahal mo sa amin ng mga bata mahal ka namin,” ani Marc sa caption.

Ilang linggo na ang nakararaan ay naisyu ang basketball player sa aktres na si Kim Rodriguez.

Ikinasal sina Marc at Danica sa isang Christian ceremony noong March 2007. Mayroon silang tatlong anak, sina Jean Michael, Anielle Micaela, at Jean Luc.