Site icon Pinoy Publiko

Mansyon ni Kris Bernal tinawag na ‘munisipyo’ ng netizens

KINATUWAAN ng netizens ang malapalasyong tahanan ng aktres na si Kris Bernal na itinatayo sa isang exclusive subdivision sa southern Metro Manila.

Kamakailan ay ipinost ni Kris ang video ng walk-through sa under-construction property nila ng mister na si Perry Choi.

“Malayo pa, pero malayo na,” chika ni Kris sa caption. “My first vlog of the year features a walkthrough, construction update, and a first look at #CasaChoi.”

Inulan ng reaksyon ang vlog ng aktres mula sa netizens na iisa ang komento sa itsura ng bahay.

“Munisipyo levels! But I loveeeeee.”

“Papunta na sa munisipyo. Mukhang kailangan mo ng 30 housemaids para mamaintain yang bahay mo at 10 yaya kakahabol sa anak mo.”

“Kulang na lang may Philippine flag sa harap. Kailan ang inauguration ni Mayora Bernal?”

“Sorry kala ko munisipyo.”

“Parang lumang munisipyo ng bayan namin.”

“Punta ako dyan pa notaryo.”

Ipinagtanggol naman ng fans ni Kris ang disenyo ng mansyon.

“Mga inggitera hahaha, kahit anong okray niyo di afford ang ganyang kalaking bahay.”

“Parang modern small castle. Tapos sa loob bonggang bongga!”

“Buhay nya yan. Nakikieme lang tayo. Hahaha.”

“Not a fan of box type houses but to each their own.”

Exit mobile version