Maine Mendoza: Do your part, get vaccinated!

HINIKAYAT ng Kapuso actress na si Maine Mendoza ang PUBLIKO na gawin nito ang kanilang obligasyon para labanan ang coronavirus disease.

At ang isang paraan para labanan ito ay ang pagpapabakuna.

Proud na ibinalita ni Maine sa kanyang mga fans na siya mismo ay nakatanggap na ng unang dose ng COVID-19 vaccine sa Mandaluyong City nitong Lunes.

Sa kanyang post sa Instagram, ipinakita ni Maine ang kanyang larawan habang nakadisplay ang braso kung saan siya tinurukan ng anti-coronavirus vaccine habang hawak ang isang sign na nakaisang dose na siya.

“Got my first dose! Thank you, MandaVax,” caption niya sa kanyang post.

“Do your part and get vaccinated, friends!” dagdag pa niya.

Bukod kay Maine, ilang mga celebrities na rin ang nakatanggap ng kanilang unang dose ng bakuna matapos buksan ng gobyerno ang A4 category o ang economic frontliners kung saan kasama rito ang mga miyembro ng entertainment industry.

Ilan sa mga nabakunahan na ay ang on and off screen partners na sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Julia Barretto and Gerald Anderson.