Maine, Arjo hindi hiwalay ‘no! – Sylvia Sanchez

IBINASURA ng veteran actress na si Sylvia Sanchez ang intrigang hiwalay na ang anak na si Quezon City Rep. Arjo Atayde sa asawang si Maine Mendoza.

Sa panayam ni Ogie Diaz, iginiit ni Sylvia na masaya ang pagsasama nina Arjo at Maine.

“Ay mare ‘yan ang hindi totoo. Kakarating lang nila galing Bangkok kasama buong pamilya ni Maine.
Masaya ang mag-asawa,” ani Sylvia.

Bago ito, inintriga ng netizens si Maine sa tweet nito na humingi umano ng paumanhin kay Sylvia. Hindi naman klaro sa tweet kung para sa saan ang apology. Bunsod nito ay nagkaroon ng haka-haka na may kinalaman ang tweet ukol sa pagsasama nina Arjo at Maine. Burado na ang tweet.