IBINANDERA sa Instagram ni Heart Evangelista ang pinintahan niyang bag na nagpapakita ng kulturang-Pinoy ngayong Araw ng Kalayaan.
“Proudly Pinoy,” caption ni Heart sa ipinost niyang larawan ng pinintahan niya na Louis Vuitton Capucines bag.
Makikita sa bag ang mga kulay ng bandila ng Pilipinas at ang imahe ng lalaking hinaharana ang isang babae. Isang aso naman ang nakatanghod sa kanila.
Sa isa pang IG post, isinapubliko ni Heart ang Philippine flag-inspired na bag na likha ng sikat na international designer na si Judith Leiber.
“It truly is a reflection of the free spirit of our nation, so today, may we pay tribute to the valiant Filipinos who fought and continues to fight for our freedom and future,” aniya. “I can’t wait to take this with me wherever I am in the world.” –WC