Luis Manzano gaganap na Carlos Yulo sa movie?

KUNG si double Olympic gold medalist Carlos Yulo ang pipili para sa i-portray siya sa pelikula, ang TV host-actor na si Luis Manzano ang gusto niya.

Agad namang nilinaw ng gymnast na nagbibiro lang siya.

“Siguro si Kuya Luis Manzano na lang,” ani Yulo. “Hindi joke lang po.”

Paliwanag niya wala siyang kilalang masyadong artista na pwedeng gumanap sa kanyang life story.

“Hindi ko rin po alam e kasi ‘di naman ako madalas manood ng telebisyon dahil nakatuon ang atensyon ko sa panay training,” sambit ni Yulo sa isang panayam.

Samantala, sinabi ng gymnast na payag siyang magkaroon ng cameo sa “FPJ’s Batang Quiapo”.

“Kung iimbitahan po ako ni Sir Coco Martin sa ‘Batang Quiapo’ kahit isang shooting day lang, papayag ako. Game na game po ako. Bahala na po si Direk Coco kung ano ‘yung magiging role ko,” pahayag niya.