Lucena City Mayor nililigawan si Kathryn Bernardo?

ISA umano si Lucena City Mayor Mark Alcala sa mga nanliligaw sa aktres na si Kathryn Bernardo, ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) noong Lunes.

Wala namang ibang detalye ang PEP ukol sa nasabing ligawan bagaman sinabi nito na galing ang impormasyon sa isang “unimpeachable source.”

Matatandaang naging karelasyon ni Alcala, dating player ng Green Archera De La Salle University, sina Kapuso actress Ashley Ortega at volleyball player Mika Reyes.

Bago naman maisyu si Mark, na-link si Kathryn sa mga aktor na sina Jericho Rosales, Alden Richards, Donny Pangilinan at Dominic Roque.

Kamakailan ay naiulat na mayroon nang bagong girlfriend ang ex-boyfriend ni Kathryn na si Daniel Padilla.
Bukas ang Publiko sa panig nina Kathryn at Mark.