MAY isang hiling ang aktor na si Kyle Echarri para sa kanyang ika-21 kaarawan: love life.
Sa isang panayam, sinabi ni Kyle na wala na siyang mahihiling sa aspeto ng career.
“Love life na lang kulang. Joke lang, jokes are half meant. Pero hindi naman ‘yun ang focus ko right now,” sey ni Kyle.
“Ngayon, ‘Pamilya Sagrado’, mga kaibigan ko masaya na ‘ko ngayon. Not looking for anything too much right now. Everything that God has given me, I’m so blessed,” dagdag niya.
Ani Kyle, nagpapasalamat siya sa mga dumarating na trabaho dahil nababayaran niya ang kanyang mga bills. Samantala, pangarap raw niyang magkaroon ng sariling bahay at investments.