KUNG ang lolo ni Deniece Cornejo ang tatanungin, mas gugustuhin niyang pag-usapan na lang ang mga kaso nito sa actor-host na si Vhong Navarro at “mag-move on” na ang lahat.
Sa isang panayam, sinabi ni Axel Gonzalez, isang abogado, may kontra-demanda sa isa’t-isa sina Deniece at Vhong.
“May rape si Deniece, si Vhong naman may serious illegal detention sa kanila. So, what good will it do?” ani Gonzalez.
“Ang punto, tulungan na lang natin ang korte. Let us settle all the problems na pwedeng ma-settle and then move on na lang,” dagdag niya.
Iginiit naman ng lolo ni Deniece na ito ay personal lamang niyang opinyon.
“Hindi ko pangungunahan si Atty. [Howard] Calleja,” aniya na ang pinatutungkulan ay ang lead counsel ni Deniece.
Hindi naman pabor dito si Calleja.
“Ang direction of the prosecution is to prosecute with the full force of law na patutunayan ang legitimacy sa nangyari kay Deniece Cornejo at ang ginawang pangre-rape ni Vhong Navarro kay Deniece Cornejo,” aniya.
Dagdag ng abogado, hindi rin pinag-uusapan sa kanilang kampo ang areguluhan.
“At this point, wala sa usapan ‘yan,” giit pa ni Calleja.
Nitong Martes ay binasahan ng sakdal si Vhong sa kasong rape na inihain ni Deniece sa Taguig City Regional Trial Court Branch 69.