FLINEX ng aktres na si Kyline Alcantara ang natanggap na plaque of recognition bilang tourism ambassador ng Korea.
Sa Instagram, ibinahagi ni Kyline ang isang reel ng ilan sa mga highlight mula sa Korean event.
Dumalo si Kyline sa Korea Health & Wellness Festival na ginanap sa Gwanghwamun Plaza sa Seoul kung saan pinarangalan siya bilang Filipina ambassador.
“Forever core memory that will follow me left and right,” aniya sa caption.
“Thank you so much, my Korea Tourism Organization Manila family for this recognition. It’s always a pleasure working and [being] part of your organization,” chika niya.