Kyline Alcantara sa breakup kay Mavy Legaspi:  Move on na tayo

GRATEFUL ang aktres na si Kyline Alcantara sa relasyon nila ni Mavy Legaspi dahil marami siyang natutuhan dito.

Sa panayam ni Boy Abunda, sinabi ni Kyline na nag-mature siya mula sa “good and bad experiences” niya sa pakikipagrelasyon sa anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.

“In every relationship naman po that I have or had, whether it’s professionally or friendly man or romantic, I always try to learn something from it, both the good and the bad experiences,” aniya.

Gayunman, idinagdag ng aktres na dapat na mag-move on ang lahat sa nasabing chapter ng kanyang buhay.

“Right now, I think we should all move on from that experience, and I will treasure that moment po kasi siyempre it made me who I am today with all that happened,” paliwanag niya.

Pinagpiyestahan ng publiko ang hiwalayan nina Kyline at Mavy noong nakaraang taon makaraang ituro si Carmina bilang isa sa mga dahilan ng breakup.

Sa kasalukuyan ay nali-link si Kyline sa basketbolistang si Kobe Paras.