Kyline Alcantara, Kobe Paras magdyowa na

ITO ang nagkakaisang komento ng netizens makaraang kumalat sa social media ang video ng dalawa na magkahawak-kamay na naglalakad sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig.

Sa video ay nakatalikod at nakatagilid ang dalawa pero hindi maipagkakailang sina Kyline at Kobe ang mga ito.

Ayon sa vlogger na si @the_oscarbrad na kumuha ng video, galing sa isang bar ang dalawa.

“Kyline Alcantara spotted na lumalabas at ka holding hands si Kobe Paras. Falling in love all over again. Can’t keep calm when I’m crazy for you. @itskylinealcantara @_kokoparas,” caption niya.

Bago ito, napansin ng mga netizens ang mga magkakatulad na larawan na ipinost nina Kyline at Kobe sa kani-kanilang Instagram account noong May 19 na kuha sa isang Makati restaurant.

Makaraan ang ilang linggo ay nag-comment at ni-repost ni Kobe sa kanyang Instagram Storry ang kaa-upload na picture ni Kyline sa Instagram.