MATAPOS sumabak sa matinding workout ay hindi tsine-check ni Kylie Padilla ang kanyang timbang.
Sabi niya sa kanyang Instagram post: “I don’t measure my weight anymore. I go by what I see.”
Nagbahagi si Kylie ng inspiring message para sa mga taong may issue sa kanilang physical appearance.
“Love your body how it is, then strive to improve it,” chika ni Kylie.
Tinitiyak naman ng aktres na nakakapag-workout siya araw araw.
“I make sure to get 30 minutes of exercise at least every day and I eat whole foods,” sey pa ng anak ni Sen. Robin Padilla.