Kylie Padilla nahihirapan sa pagiging single working mom

INAMIN ng aktres na si Kylie Padilla na nahihirapan siya sa pagbabalanse ng pagiging ina at pagiging provider sa kanyang mga anak na sina Alas at Axl.

Ani Kylie sa social media post, sa kanilang kuwarto na niya pinatutulog ang mga bata para masanay lalo na kapag puyatan ang kanyang taping o shooting.

“[But] it gets really hard when I miss them lalo na the times when I come home when they are sleeping and I leave when they are sleeping,” sabi niya.

Kaya naman kapag day-off niya ay “I purposefully leave my door unlocked so they can come to my side in the morning and give me morning kisses and hugs.”

“I live for those moments. They don’t know that this is my fuel. Kakayanin kahit ano basta may kiss and yakap ako sa kanila,” dagdag ng estranged wife ni Aljur Abrenica.