Kyle nakalimutan birthday niya

NAGDIWANG ng kanyang ika-21 kaarawan ang aktor na si Kyle Echarri kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan nitong Huwebes, June 20.

Ayon sa “Pamilya Sagrado” lead star, nakalimutan niya na kaarawan niya.

“Actually, five hours ago I kinda forgot that it was my birthday parang ganun. 21 it’s been a ride, been a journey. But I’m so happy that everyone is here, people that I love,” ani Kyle.

Dagdag ng aktor, bantulot siyang mag-party sa kanyang kaarawan.

“Hindi talaga ako ma-celebrate na tao. Lalo na my birthday is kinda hard for me. It’s the same day that I found out that my sister had cancer two years ago. Other than that I never really wanted to celebrate my birthday. I was never a big celebrator. Pero pinaramdam sa akin ng mga kasama ko na kailangan kong i-celebrate ang birthday ko,” sey niya.

Matatandaan na sumakabilang-buhay ang kapatid niyang si Bella noong isang taon dahil sa brain tumor.

“Last year was one of the hardest years of my life. So this is a big 180 jump for me, and I am so happy,” sabi niya.