IPINAGMAMALAKI ng dating child actress na si Kristel Fulgar na hindi siya “lumandi” noong kanyang kabataan dahil gusto niyang ihandog nang “buong-buo” ang sarili sa lalaking pakakasalan niya.
Sa kanyang latest vlog, isiniwalat ni Kristel na ang Korean na si Ha Su Hyuk ang kanyang unang boyfriend.
Sinabi ni Kristel na hindi niya pinagsisihan na inilaan niya ang sarili sa Korean BF dahil narito ang lahat ng kanyang hinahanap sa isang lalaki.
“Sobrang worth the wait lahat ng bagay. Hindi ko pinagsisisihan na siya ‘yung first boyfriend ko at 29 years old,” lahad niya.
“May goal kasi ako and diniscuss ko rin ‘yun sa kanya na kung sino ang first boyfriend ko, siya na rin ‘yung maging last ko and hopefully gusto na niya ‘yung matupad,” dagdag niya.
Pagsasapubliko pa ni Kristel na talagang plinano niya na hindi makipagrelasyon noong bata pa siya.
“Sinadya ko rin noon na hindi lumandi nang maaga kasi gusto kong i-reserve ang sarili ko para sa future husband ko nang buong-buo,” sabi niya.
Ayon kay Kristel, may mga pagkakataon na napapaisip siya kung tama ang naging desisyon niya dahil halos lahat ng mga kasabayan niya ay may pamilya na.
“I remember parang mga three years ago, medyo nape-pressure na ako kasi nga malapit na ako sa gusto kong marrying age which is 30, 31, 32. Tapos ’yung mga ka-batch ko, nagpapakasalan na, may mga anak na so na-realize ko kung ano ba talaga ang goal ko sa buhay?” sambit niya.
Aniya ang unang goal niya ay maging financially stable pero kinalaunan ay na-realize niya na kailangan na niyang bumuo ng sariling pamilya.
Kaya naman sa isang thanksgiving event sa kanilang church ay ipinanalangin niya na sana’y matagpuan na niya ang tamang lalaking mamahalin niya at mamahalin siya.
Hindi naman siya binigo ng Diyos dahil ibinigay Nito sa kanya si Ha Su Hyuk.
“So sa mga NBSB [no boyfriend since birth] girlies dyan, don’t be pressured. Know your worth. Ako kasi I think [of] myself as a high-value woman and I wouldn’t settle for anyone that doesn’t deserve me. And naniniwala ako na talagang may right guy para sa akin. I just need to wait for the right time and to trust God na mayroon Siyang nakalaan [para sa akin],” payo ni Kristel sa mga kababaihan.