Love is lovelier the second time around para sa magkasintahang Batangas Vice Governor Mark Leviste at “Queen of All Media” Kris Aquino.
Sa video na shinare ni Kris sa Instagram, mapapanood ang pagbisita sa kanya ni Kim Chiu sa California.
Si Mark ang nagsilbing videographer ng reunion.
Ani Kris, si Mark ang kinontak ni Kim para madalaw siya.
Kaugnay nito, ibinalita ni Kris na nagkabati sila ni Mark dahil sa bunso niyang si Bimby.
“We’ve both learned from our mistakes…with God’s help sana tuloy tuloy na yung harmonious and supportive relationship namin. Thank you bimb for helping us realize all the things we needed to repair in order to strengthen our commitment,” chika ni Kris.
Matatandaang hiniwalayan ni Kris si Mark makaraang kumalat ang larawan ng huli na kasama ang ex-partner niya na si Philip Salvador ilang linggo na ang nakararaan.
Masaya namang ikinuwento ni Kris na tuloy-tuloy na ang pagganda ng kanyang kondisyon.
“Thank you to all of you who are praying for me, slowly gumaganda my numbers. That’s because of the power of our collective prayers. God’s rewarding our #faith. Roughly 15 more months of treatment, but i’m alive and hopeful; tuloy ang LABAN, bawal sumuko,” aniya.