SINOPLA si Kris Aquino ng anak ng Tarlac City mayor na pinasaringan niya na hindi marunong tumanaw ng utang loob sa pamilya Aquino.
Matatandaan na nitong Miyerkules ay ikinampanya ni Kris ang tandem nina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan sa grand rally ng Tropang Angat Buhay sa siyudad.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Kris na kahit sinabihan siyang huwag nang dumalo sa event ni Robredo ay hindi siya nagpapigil.
“I only found out yesterday na sa Tarlac pala ang rally ni VP Leni, so sabi ko, ‘I’m going and nobody can stop me’,” aniya.
Idinagdag niya “worth all the risk” ang pagpunta niya sa Tarlac at pinasalamatan din niya ang mga Tarlaqueños na hindi sila iniwan “except for you know who.”
Walang binanggit na pangalan si Kris pero sumigaw ang audience ng “Wala si Cristy,” na ang tinutukoy ay si Tarlac City Mayor Cristy Angeles na inendorso kamakailan si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
“Sorry, sinabihan ako wag makipag-away pero nabwi-bwisit po talaga ako . . . dahil nakakabwisit talaga yung walang utang na loob. Pero deadma na. Deadma na doon,” sabi ni Kris.
Agad namang sinagot ng anak ni Angeles na si Anvi ang Queen of All Media sa Instagram.
“Ms. @krisaquino, we would like to know kung ano po ang “utang na loob” ng family namin na binabanggit niyo?
“Since the beginning, we had high respects for your family. Sa amin pong pagkaka-alam, never did we ask for any help or favor from your family. Ilang beses po humingi ng tulong si Ma’am Cory sa family namin since PNoy ran for Congress and Senate. And when he ran for president, my mom was tasked to be the provincial convenor under the People Power Volunteers for Reform here in the province of Tarlac.
“Wala po kaming hiningi ng kahit anong tulong o pabor (pinansyal man o trabaho) na kapalit sa pamilya ninyo. Ito po ay sa kadahilanang mataas ang aming respeto sa inyong ina.
“I was a silent witness to the sacrifices, kapaguran at malasakit ng parents po namin sa family niyo po. But for you to maliciously accuse my mom in public of ‘walang utang na loob’, I cannot let your lies & intrigues malign my mom just for the political mileage of your candidate.
“We owe it to Boss Danding and Cong. Henry Cojuangco when they encouraged my mom to run for Board Member and then city mayor under the NPC. Apparently, hindi po niyo alam ang nangyayare dito sa Tarlac City.
“Kahit ganito lang po kami kaliit na tao, marami pa rin naman po ang naniniwala, nagtitiwala, at rumerespeto sa aking ina lalo na po sa kanyang karakter at kakayahan. Siguro po naturuan din kayo ng tamang pag-uugali ng magulang po ninyo. We hope and pray that whatever hatred, anger, and jealousy inside your heart and mind will be replaced with kindness, love, and patience. Praying for God’s enlightenment.”