Kris Aquino may bagong jowa

IBINULGAR ni Bimby Aquino na may bagong “apple of the eye” ang mommy niyang si Kris Aquino.

Sa panayam ng showbiz insider na si Ogie Diaz, isiniwalat ni Bimby na may bagong jowa na si Kris.

“Meron [ng boyfriend] ang mama mo?” urirat ni Ogie.

“Yes. He’s a very good guy. Non-showbiz” pambubuking ni Bimby.

Dagdag ng bagets, “medyo makulit lang” ang guy.

Habang nagtatawanan sina Bimby at Ogie ay biglang sumingit si Kris. “I will have to join,” sey ni Kris.

“He’s not makulit, Bimb.” Bago ito, inamin ng actress-TV host na tuluyan na silang naghiwalay ni Batangas Vice Gov. Mark Leviste.

“Yes. Definitely walang balikan na mangyayari,” pagdidiin ni Kris sabay dagdag na matagal na silang hindi nagkakausap ni Leviste.

“Siguro February ‘yun. So March, April, May, June, so pa-July na tayo. Magpa-five months na yan. Antagal na noon, Ogie,” chika ng Queen of All Media.

Isiniwalat ni Kris na noong nakaraang Nobyembre dahil sa mga nalaman niya ukol sa vice governor.

“Para malaman ng tao, nagkalabuan na mula November. Then, sinubukang ayusin. Pero may mga nalaman akong hindi ko gusto pero ayoko na magsabi ng more than that, it’s part of the reason why it did not work out,” sambit ni Kris.

Aniya, hindi na niya ikinukwento sa publiko ang kanyang buhay-pag-ibig dahil ayaw niyang maging pabigat sa mga ito.