BINALAAN ng psychic na si Rudy Baldwin ang veteran broadcast journalist at TV host na si Korina Sanchez na mag-ingat ngayong 2025.
Pinag-iingat ni Baldwin si Korina lalo na sa mga buwan ng Hulyo at Agosto, at sinabing huwag muna itong magmamaneho ng kanyang sasakyan.
“Ikaw Miss Korina, pagdating ng July saka August lalo na ‘yung July 29 saka 26 saka ‘yung August 2 at 14, ‘yung pagmamaneho mo huwag muna kasi may aksidente ka,” ayon kay Baldwin sa programa ni Korina.
Ayon naman sa batikang broadcast journalist na tatandaan niya ang warning ng psychic.
“Hindi muna ako lalabas ng bahay? I-record mo nga ‘yung mga dates,” ang sabi ni Korina sa kanyang personal assistant.
Una nang nagbabala si Baldwin hinggil sa mga pangitain ngayong taon, isa rito ay ang tungkol sa isang young actress na diumano’y mare-rape habang isang sexy vlogger naman ang masasawi dahil sa cancer.