Kobe Paras ipinaghimay ng ulam si Kyline Alcantara

KINAKILIGAN ng publiko ang ginagawang pag-aalaga ng basketball player na si Kobe Paras sa kanyang rumored girlfriend na si Kyline Alcantara.

Sa video na lumutang sa Facebook, makikita ang dalawa na magkatabing kumakain.

Kuhang-kuha naman ng kamera si Kobe na ipinaghihimay muna ng ulam si Kyline bago siya kumain.

Napasanaol naman ang maraming netizens sa ginawang pag-aasikaso ng anak ni Benjie Paras at Jackie Foster kay Kyline.

“Wow, grabi  sweetness overload. This two will be my favorite now. After Aldub. Sana maging sila na forever.”

“Walang pakialam si Kobe kahit sino nasa paligid nila as long as inaasikaso nya si Kyline.”

“Sana all my ng himay. Ka gentleman bajud kaau Kobs I like the way he treats to Kyline.”

“Ang sarap nilang tignan all in one tlaga si Kobe …love you both!”