Kiray, Stephan nag-anniversary: ‘Pikit po sa mga naiinggit’

MAY mensahe ang komedyanang si Kiray sa patutuloy na namba-bash sa kanila ng boyfriend na si Stephan Estopia: “Pikit po sa mga naiinggit.”

Ginawa ni Kiray ang payo sa selebrasyon ng ikatlong anibersaryo ng kanilang relasyon kamakailan.

Ibinahagi ng komedyana ang photo ng sweet moment nila ni Stephan na kalakip ang mensahe na, “Hindi mo kailangan ng taong kayang ibigay sayo ang lahat. Ang kailangan mo, yung taong kayang iparamdam sayo na mas importante ka sa lahat.”

“HAPPY HAPPY 3RD ANNIVERSARY, @stephan.estopia! Pikit po sa mga naiinggit. Lalo na kay…. tag ko na ba? HAHAHAHA! Salamat sa flowers jowa!” dagdag niya.