Kiray flinex legit na LV bag: ‘Wag tayo gumamit ng fake’

IBINANDERA ni Kiray Celis sa Instagram ang bagong bili niyang Louis Vuitton hand bag.


Ani Kiray, nabili niya ang Damier Azur Canvas mini-pochette sa isang online store.


Hindi naman sinabi ng komedyana kung brand new o preloved ang item, pero mabibili ito sa Louis Vuitton store sa halagang less than $400.


“Ang liit. At kasing mahal ko rin ang presyo dahil mahal ako ng boyriend ko,” ani Kiray.


Ipinaalala rin niya sa publiko na huwag bumili ng pekeng luxury goods.


“Wag po tayo gumamit ng fake ha? Kung hindi natin kaya bumili ng mga ganito kamahal, eh di yung brand nalang po na mas mura at kaya natin. Pero wag natin suportahan yung mga gumagaya sa mga brand nato tapos ibebenta ng mas mura,” aniya.


Dagdag niya: “Nasa nagdadala yan. Pero dun pa rin tayo sa totoo. At kapag totoo at legit, syempre matibay. Mahal pero matagal nating magagamit.. at pwede ibenta mga totoo kahit preloved! Dun tayo sa totoo. Hindi sa kaibigan na sisiraan ka, kapag nakatalikod tayo. CHAROT!” –A. Mae Rodriguez