Kiray binulaga ng jowa sa 5th anniversary

GIDDY as a school girl ang drama ng komedyanang si Kiray sa selebrasyon ng ikalimang anibersaryo ng relasyon nila ng boyfriend na si Stephan Estopia.

Ibinandera ni Kiray sa Instagram ang ilang ganap sa date na sorpresa sa kanya ni Stephan.

“Ako na ang pinakamasaya ngayong araw na to!” chika ni Kiray sa caption. “Sinurpresa niya ako ng head spa tapos may mga decorations pa! At otw kami sa surprise dinner niya, may pa bulaklak galing parking. Huwaw naman! At napaka sarap ng dinner namin, siya rin namili.”

Dagdag ng komedyana, “good job” si Stephan sa effort nito kaya naman sa limang taon nila bilang mag-jowa ay “grabe parin yung kilig at pagmamahal ko sayo. Never nabawasan, mas lalo pang nadadagdagan.”

Sa hiwalay na post, sinabi ni Kiray na wala siyang birthday wish. “Wala nakong mahihiling pa kasi nasakin kana. Mahal na mahal kita!” sambit pa niya kay Stephan.

Nagpapasalamat siya dahil nakatagpo siya ng gaya nito. 

“Salamat sa lahat ng pagmamahal mo sakin at sa pamilya ko. Sa pagsakay mo sa lahat ng trip ko, sa pagsuporta sa lahat ng gusto ko. Sa pagdadrive sakin sa lahat ng work ko. Sa lahat ng toyo ko, sa mga pagiinarte, pagmamaldita at pag susuplada ko sayo,” lahad pa ni Kiray.