Kim kay Xian: Shut up ka na please

EMOSYONAL ang aktres-TV host na si Kim Chiu sa pakiusap nito sa ex-boyfriend na si Xian Lim na huwag nang ungkatin pa ang kanilang breakup.

“Entering 2024, sabi ko talaga I just want a fresh start, new beginning and I don’t want to dwell sa past,” ani Kim sa isang panayam.

Ayon kay Kim, wala sa plano niya na mag-react sa mga interview kay Xian at sa mga pahayag nito. 

“Parang ‘yung post ko nung December sabi ko, this will be the last time na pag-uusapan ko ito. Pero parang ang dami pa rin. Parang hindi naman siya mapag-uusapan kung no one’s lighting the fire,” paliwanag niya.

Nakikiusap naman ang aktres sa dating karelasyon na ititikom na ang bibig nito.

“It ended, the journey was beautiful. Ayaw ko nang maging masama ‘yung loob ko,” aniya.

“Kasi paulit-ulit na lang. Let’s give it a rest and let’s leave respect to each other,” mangiyak-ngiyak niyang sinabi.