Killer’ ni Ai Ai sa social media hinahanting ng NBI

INIREKLAMO ni Ai Ai dela Alas sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga nasa likod ng YouTube channel na iniulat ang kanya umanong pagkamatay kamakailan.


Nagtungo ang komedyana sa NBI para matukoy ang pagkakakilanlan at masampahan ng kaso ang mga nagpakalat ng fake news na mamatay siya dahil sa mga komplikasyon sa diabetes


Ani Ai Ai, tine-trace na ng NBI ang mga may koneksyon sa ATUBS TV.


“Lahat yan babalik sa kanila. Pina-NBI ko na rin. Pinapahanap ko na rin ’yung mga IP address nila,” dagdag niya.


Unang ibinalita ng PUBLIKO na ipinost ni Ai Ai ang screen shot ng nasabing YouTube channel na naglabas ng video na may pamagat na “Pumanaw na ang aktres na si Ai Ai delas Alas.”


Sa kanyang caption ay hindi napigilan ng komedyana na magmura dahil maraming mahal sa buhay niya ang naniniwala sa balita.


Aniya: “Sa totoo lang mga g*go gumagawa nito … na stress ate ko dito at saka iba kong friends sa abroad ano ba napapala nyo sa pag gawa ng ganito ??? pampadami ng views.. (sa ganitong paraan ??? kung ano ano nalang namatay daw ako sa sakit na diabetes.”


“MGA G*GO 5 years na ko walang sugar sa katawan except fruits at coco sugar mga siraulo, mangmang inutil!!!!!” dagdag niya.
–A. Mae Rodriguez