INAMIN ni KC Concepcion na in-unfollow niya ang stepfather na si Kiko Pangilinan at kapatid na si Frankie Pangilinan sa social media.
Hindi ni idinetalye ni KC kung bakit niya ginawa ito bagaman sinabi niya na mananatili ang pagmamahal niya sa dalawa.
“Yes, I unfollowed on social media platform—but I will not unfollow the lessons I have learned growing up into the woman I am today,” giit ni KC.
“I unfollowed, but I will never unlove. Family is family. Naniniwala naman po ako na we have enough love to overcome this. I have faith na somehow God will bring us all to a happy place, one day,” dagdag niya.
Gayunman, sinabi ni KC na natutuhan na niyang ilugar ang kanyang sarili sa buhay ng ibang tao.
At panahon na, dagdag niya, na unahin ang sariling kaligayahan.
“I realize po na life is so short, sayang po kung aksayahin natin ang time with negativity. I just want the family to be happy, and also myself to be happy,” aniya.
Nagpapasalamat naman ang aktres sa pagmamahal at pag-aalaga ni Kiko.
“I am forever grateful to have experienced the love of a father through the experience of having a stepfather since I was 12 years old.
I’m sure hindi din po perfect ang journey niya, but I know he’s trying his best,” ani KC.
Idinagdag niya naging mabuti siyang anak.
“I would like to believe na naging mabuting anak din po ako. Ako po ay hindi perpekto pero nagmamahal po ako nang totoo,” ayon sa panganay ni Sharon Cuneta.