Kathryn Bernardo, endorser ng Louis Vuitton?

INULAN ng pagbati ang aktres na si Kathryn Bernardo nang ibandera niya ang isang Louis Vuitton bag sa Instagram nitong Martes.

Ipinost ni Kath ang photo niya na bitbit ang isang dilaw na luxury bag na may laman na mga bulaklak.

“#LouisVuitton’s iconic Neverfull just got a fun makeover with a new reversible design!” sabi niya sa caption.

Hindi naman klinaro ng aktres kung siya ang magiging brand ambassador ng LV sa Pilipinas.

Kung sakali, aprub sa mga fans kung dadalo si Kath sa mga fashion weeks gaya nina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach.