Kathryn, Alden nag-look test sa ‘Hello, Love, Again’

TRENDING ang “Hello, Love, Again” makaraang kumalat ang video ng look test para sa reunion movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Nitong Biyernes ay ibinahagi ng direktor ng na si Cathy Garcia-Sampana ang video ng naganap na look test.

“Looktest naaaaaa. Animated Ethan & Joy plus special guest,” caption ni Direk Cathy sa ibinahaging video sa TikTok.

Ginagawa ang look test upang makita ng production kung ano ang bagay na wardrobe, makeup, kulay at accessories sa mga karakter ng isang pelikula o TV series.

Matatandaan na inanunsyo ng ABS-CBN ang sequel ng “Hello, Love, Goodbye” kamakailan, limang taon matapos ipalabas ang blockbuster movie.

Nakatakdang ipalabas ang “Hello, Love, Again” sa November.