KathDen relationship status nag-level up na

MAY “mutual understanding” na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ayon sa talent manager at vlogger na si Ogie Diaz.

Sa kanyang “Showbiz Update” vlog, sinabi n Ogie na nasagap niya na nag-level up na ang relationship status ng magka-love team.

“Narinig ko lang naman ito, na something like, nabalitaan ko lang naman ito, ‘yung tungkol kay Alden at Kathryn na sila ngayon ay…Totoo ba Kathryn at Alden na kayo ay mag-MU na?” sey ni Ogie.

Dagdag niya na konting push na lang ay maging officially dating na ang KathDen lalo pa at madalas na nakikita ang aktor sa mansyon ni Kath.

Matatandaan na isang source ang nagkumpirma kay Ogie na nanliligaw si Alden kay Kath at botong-boto ang pamilya ng aktres dito.

Lahat daw kasi ng gusto nila, dagdag ni Ogie, para sa isang lalaking mamahalin ni Kathryn ay matatagpuan kay Alden.