Kaso ni Pepsi Paloma may konek sa pamamaslang sa manager?

LUMUTANG ang isang umano’y apo ni Dr. Rey dela Cruz, ang talent manager na binaril at napatay sa Quiapo noong 1992, upang sabihin na konektado ang kaso ng lolo niya sa pagpapatiwakal ng aktres na si Pepsi Paloma noong 1985.

Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ng direktor na si Darryl Yap ang natanggap na mensahe ng apo umano ni dela Cruz.

Ayon sa apo, naglakas-loob siyang sumulat kay Darryl makaraang ianunso ng direktor na gagawa siya ng pelikula ukol sa buhay ni Pepsi (Delia Smith sa totoong buhay), isa sa mga artistang alaga noon ng talent manager.

Narito ang kabuuan ng mensahe:

“Hi, Direk. How are you? I’ve heard na gagawa kayo ng movie about Pepsi Paloma, finally the people deserves the truth. 

“Let me introduce myself, apo po ako ni Dr Rey Dela Cruz, ang talent manager ni Pepsi, ang lola ko si Leoncia Dela Cruz ay panganay na kapatid nila Dr Rey. 

“Meron ako information from a credible source from the National Police na ang pagkamatay ng lolo Rey ko ay connected sa pagkamatay ni Ms Delia Smith. 

“My lolo was murdered in Quiapo where he was Barangay Captain at that time. 

“Mabuhay po kayo! Sana mabigyan ng justice ang pagkamatay nila after 40 years.”

Matatandaan na nagpatiwakal si Pepsi sa edad na 17 noong 1985, tatlong taon makaraan umano itong pagsamantalahan ng ilang kilalang showbiz personalities habang binaril at napatay si dela Cruz sa kanyang optical clinic sa Quiapo noong 1992.