Karla sa Daniel fans: Huwag i-bash si Kathryn

NAKIUSAP ang actress-host na si Karla Estrada sa mga supporters ng kanyang anak na si Daniel Padilla na tigilan na ang pamba-bash ng mga ito sa ex-girlfriend ng huli na si Kathryn Bernardo.

Matatandaang bumuhos ang “hate” kay Kathryn mula sa mga umano’y fans ni DJ dahil sa sexy performance nito sa ginanap na Century Tuna Superbods 2024 finals.

Ayon sa ilang, fans tila napariwara si Kath mula nang makipaghiwalay kay Daniel.

“Pakiusap lang po. No bashing tayo please. Hindi yan ang klase ng pamamaraan ng pag suporta na gusto ng aming pamilya para kay Daniel,” sey ni Karla sa Facebook post.

“We appreciate your support, but please, no bashing to others. Ipagmalaki Ang lahat ng Blessings ni DJP. Respeto para sa Blessings ng iba. Maging masaya tayo sa tagumpay ng bawat isa. NO TO HATE. NO TO BASHING. Salamat 🙏🏻,” dagdag niya.