Karla inalmahan fake quotes ni Daniel

UMAPELA si Karla Estrada sa publiko na i-report ang mga Facebook pages na nag-iimbento ng mga quotes at pinalalabas na mula sa anak niyang si Daniel Padilla.

Sa kanyang Facebook post, shinare ni Karla ang screenshots ng mga pekeng quote sa FB pages na Hugot Pamore at Queen JD.

“Fake news! Naka report na ang mga accounts na ito. Fake news ang feed ng mga account na ito. Double check muna sa mga nagbabasa bago mag comment at baka madamay kayo sa pag report namin sa mga page na yan,” ani Karla.

Sa hiwalay na post, inilarawan din niyang fake news ang post ng FB page na Little Khannex.

“Isa na naman fake news ito. Check nyo muna kung totoo ito bago kayo mag coment dahil katulad nito napaniwala kayo sa fake news. Ang gagaling ng mga to mag imbento ng posts. Daming na peke. Kasama na ito sa marereport,” wika ni Karla.