Kamao katapat ng bading na manyak

MAY paglalagyan ang sinumang miyembro ng LGBTQIA+ community na magtatangkang mang-harass sa aktor na si Derek Ramsay.

Sa isang panayam, sinabi ni Derek na hindi siya mangingiming magpakawala ng kamao sa mga babastos sa kanya.

“Upper cut, left hook. Very simple. Ganoon kaagad,” aniya.

Iginiit naman ng mister ni Ellen Adarna na hindi siya homophobic.

“Hindi ako homophobic, magkaibigan tayo, I’m very comfortable with you, I love the gay community, pero you have to respect my boundaries na akala mo magaganoon mo ako or anything, ‘di ba?” dagdag niya.

“I won’t respect your boundaries; ito ang babalik sa iyo: sapak talaga. That’s disrespectful na,” sabi niya.