Kai Sotto ibinida bagong kotse

FLINEX ng basketbolistang si Kai Sotto ang kanyang bagong sasakyan na isang Toyota FJ Cruiser.

Sa Facebook, ibinahagi ng seller ang larawan ni Kai katabi ng kulay dilaw na SUV.

Sa isa pang larawan ay makikita ang ama ni Kai na si Ervin na may kasamang isang bata.

“Thank you so much Mr. Kai Sotto & Mr. Ervin Sotto & goodluck to journey, Maraming salamat po sa Inyong tiwala,” caption ng Bulacan Auto Depot sa post.