K-Pop star Jisoo, Jung Hae-in ready na sa ‘Snowdrop’

GAME ka na ba sa bagong K-drama na tiyak na tutukan mo?

Gugulong na ang “Snowdrop” ang Korean drama na matagal nang inaabangan dahil pagbibidahan ito ng K-pop superstar na si Jisoo ng popular group na BlackPink at actor na si Jung Hae-in.

Iikot ang istorya ng “Snowdrop” sa dalawang college students sa South Korea noong 1987 — o panahon na matindi ang mass protest sa bansa.

Noong nakaraang taon unang inanunsyo na sasabak sa drama ang BlackPink member.

Hindi pa tinukoy kung kelan ito ipalalabas.