APRUB sa publiko ang pagkakapili kay Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose bilang 2025 calendar girl ng Ginebra San Miguel.
Inanunsyo ng Ginebra San Miguel ang kanilang bagong calendar girl sa ika-190 anibersaryo ng kumpanya kamakailan. Si Julie Anne ang ika-34 calendar girl ng world’s best-selling gin-maker.
Sang-ayon naman ang karamihan ng netizens sa choice ng Ginebra dahil hindi umano lumabas na malaswa ang kalendaryo.
“This time parang yung model na kinuha nila na highlight yung inumin… mostly kasi yung dating nang models nila parang senisexualize yung inumin … ngayon very light ang dating .. ganda ni julie dito palang photoshoot nang pageant candidate.”
“Grabe nman yon Julie! Infairness di malaswa tignan dahil cguro sa sweet smiles mo di sya mukhang nang aakit. Love it! Slay!
“Hindi malaswa tignan omg wow napaka angelic look padin.”
Hindi rin naiwasan ng ilan na ikumpara ang mga sexy shots ni Julie Anne sa role niyang “Maria Clara” sa hit teleserye na “Maria Clara at Ibarra.”
“Level up na si Maria Clara.”
“Jusmio tila lumihis kana tlga ng landas oh aking unica hija!”
“Dyusmiyo Maria Clara ano ba yang kasuotan mo?”