Juliana Parizcova: Sana maghiwalay na sila ni Goldie

NAGBIRO ang komedyanteng si Juliana Parizcova na sana ay magkahiwalay na sina Olympic gold medalist Carlos Yulo at ang girlfriend nitong si Chloe San Jose.

Sa Facebook post, inurot ni Juliana si Carlos na layasan na si Chloe at siya na lang ang dyowain nito.

“Sana maghiwalay na sila ni Goldie…Tapos ako na lang jowain nya para maranasan nya ang Golden Tooth,” chika ng Miss Q&A 2018 winner.

Pagseseryoso naman ni Juliana: Sana raw ay magkausap na sina Carlos at ina nitong si Angelica nang sila lang dalawa para maplantsa kung anuman ang hindi pagkakaunawaan ng mga ito.

Kaugnay nito, sinabi ni Juliana na kahit ano pa umano ang kasalanan ng kanyang ina ay hindi niya ito ipahihiya sa publiko.

“Ewan ko, pero ako, kahit anong maging kasalanan sakin ng Nanay ko, hinding hindi ko itatakwil, hinding hindi ko pagkakaitan ng tagumpay na nakamit ko, hinding hindi ko ilulubog at ipapahiya sa publiko, at hinding hindi ko paluluhain ng ganito,” pahayag niya.

“Nakakadurog ng puso na may isang ina nasasaktan at umiiyak dahil sa pahayag ng isang anak,” dagdag ni Juliana.