Juliana Gomez papasok na rin sa politika?

PAPASOK na nga ba sa mundo ng politika ang kaisa-isang anak nina Ormoc City Mayor Richard Gomez at Representative Lucy Torres-Gomez na si Juliana?

Ayon sa mag-asawa, susuportahan nila ang desisyon ng anak sakaling gustuhin na nitong maging politiko.

Sabi ni Lucy, alam umano ng anak ang buhay sa mundo ng showbiz at politika dahil sa mga magulang.

“Si Juliana kasi is very much oriented with the kind of life we have as her parents when it comes to showbiz and politics.”

Pero, hindi naman umano nila dinidiktahan ang anak kung ano ang gusto nito.

“But we don’t impose on what we want for her. Hindi namin sinasabi na maging artista siya, maging atleta siya o maging politiko siya. We’re just here to support her on whatever she decides to do or whatever field she enters. Ang parents dapat ay supporting role lang,” paliwanag ni Lucy.

Ayon naman kay Richard, tingin niya ay inclined si Juliana sa politika dahil sa kinukuhang kurso na Public Administration.

“Hindi ko alam kung ano ang gusto niya. Kasi sa studies… she’s now third year college taking up Public Administration. Akala ko nga Mass Communication ang kukunin niya, eh. So, I guess she might be inclined to go to politics. But whatever she decides, nandito lang kami ni Lucy to support her.”

Pag-amin pa ni Richard, kinakikitaan na niya ang anak ng leadership skills.

“Dapat nasa puso niya ang pagtulong sa mga tao. And always give the best service,” dagdag niya.