Julia sinamahan lola ni Coco sa pagpapagamot

NAGPASALAMAT ang aktres na si Julia Montes sa doktor na tumingin sa lola ni Coco Martin.

Sa Instagram, ipinost ni Julia ang photo niya kasama si Lola Matilde, na nakaupo sa wheelchair, at ang manggagamot.

“Thank you so much Dr. Mark Tan of @rehabmed.md and Spectrumed @spectrumed.inc for Lola Matilde’s knee treatment,” caption ng aktres.

“Thank you for being so gentle and for explaining everything so well before administering the medication,” dagdag niya.

Ayon kay Julia, sumailalim ang lola ni Coco sa Synolis VA Hyaluronic Acid injections upang magkaroon ng lubrication ang mga tuhod nito para hindi mahirapan sa paglakad at paggalaw.