Julia may ‘sweet’ message kay Coco

SWEET AND INSPIRING mensahe na ibinigay ng rumored girlfriend ni Coco Martin na si Julia Montes sa pagdiriwang ng ika-40 kaarawan ng bida ng “Ang Probinsyano”.

Sa ibinahaging video na inilabas ng Dreamscape Entertainment nitong November 1, isa ang pagbati ni Julia ang talaga naman ang talagang malaman na malaman dahil punong-puno ito ng pasasalamat at pagmamahal.

Say ni Julia kay Coco na sana ay ma-enjoy nito ang kanyang birthday at sarili naman niya ang kanyang isipin.

Say ni Julia sa kanyang greeting: “Sana ay ma-enjoy mo. Lagi mo kaming iniisip, mga kaibigan mo, mga katrabaho mo, pamilya mo, mga mahal mo sa buhay. Ngayon this time, it’s your special day, sana sarili mo naman ang isipin mo at ma-enjoy mo ang espesyal na kaarawan mo.

“Thank you for being an inspiration to everybody, especially sa akin. Aaminin ko talagang inspirasyon ka sa lahat ng aspeto. Kung paano ka magmahal ng tao, ng katrabaho mo. Kung paano ka magmahal sa trabaho. Continue to be that good person. Huwag na huwag kang mapapagod na magbigay, magmahal at maging inspirasyon pa sa maraming-maraming tao. Maraming-maraming salamat sa iyo Co and happy birthday!”

Maliban sa kanyang rumored girlfriend, binati rin si Coco ng iba niyang kasama sa “Ang Probinsyano” na sina Tirso Cruz III, Michael de Mesa, Lorna Tolentino, John Estrada, Angel Aquino, Randy Santiago, John Arcilla, Mark Solis, Bassilyo, Smugglaz, Rosanna Roces, Raymart Santiago, at Shaina Magdayao.