NAGPABINYAG bilang Kristiyano ang Kapuso actor na si Juancho Triviño nitong Linggo bilang pampublikong pahayag na si Kristo ang sentro ng kanyang buhay.
Sa kanyang Instagram page, ibinandera ni Juancho ang good news sa pamamagitan ng isang video.
“I haven’t been baptized yet. Kung anu-anong naiisip ko na hindrances but of course, now is the time to obey the commandment of Jesus to be baptized talaga and declare our faith,” ani Juancho.
Gayunman, klinaro ng aktor na si Kristo pa rin at hindi ang bawtismo ang susi sa kaligtasan ng kaluluwa.
“We do this for the public declaration of our IDENTITY in Christ who is the way to our salvation,” aniya.
“We may be fun and silly on our social media at times, but my family and I, we have a mission for what pleases God in our lifetime,” dagdag ng aktor.