NANANATILING tikom ang bibig ng vlogger at model na si Bella Racelis kaugnay sa real score sa pagitan nila ni Joshua Garcia.
“My heart right now is happy. Because I am being surrounded by people who radiate good vibes and people who really add value to my life,” ani Bella sa panayam ni Luis Manzano.
Hindi naman sinagot ni Bella ang tanong ni Luis kung sila ba ni “Josh.”
Nitong nakaraang buwan ay inihayag ni Joshua na single siya.
“Huwag na natin pag-usapan ‘yan. Basta ako, single ako. Nag-iisa ako di ba? Wala nga akong kasama sa Japan e,” ayon sa Kapamilya actor nang uriratin ni Ogie Diaz kung may ugnayan sila ni Bella.