Joshua, Elisse naaktuhang nagmo-momol? McCoy sumabog daw sa galit

MAAGAW kaya ng pasabog na chika na ito ni Ogie Diaz ang spotlight mula sa controversial couple na sina Maris Racal at Anthony Jennings?

Sa kanyang latest “Showbiz Update” vlog, isiniwalat ni Ogie na isang source ang nagparating sa kanya na naispatan umano sina Joshua Garcia at Elisse Joson na nagme-make out habang  Star Magical Christmas Ball noong isang buwan.

“Gaano katotoo na doon sa ballroom ay nag-momol? Hindi ako makapaniwala doon magmo-momol sa ballroom si Joshua Garcia at Elisse Joson,” sambit ni Ogie.

“Parang hindi ko naman makitaan na mayroon silang tendency na magganoon. Kasi kung ang dalawang tao may balak na kaelyahan, didiretso ng kuwarto ‘yan,” pagdedepensa naman niya sa dalawa.

Dagdag ni Ogie, tapos na sana ang kuwento pero nakarating kay McCoy de Leon ang umano’y ginawa ng partner na si Elise.

“Ang kuwento sa akin, may bodyguard na raw ngayon si Joshua Garcia kahit saan siya magpunta. Kasi nga nagalit daw itong si McCoy de Leon. Siyempre sa galit niya parang napamura siya tapos napabanta pa,” chika pa ni Ogie.

Klinaro naman ng showbiz insider na hindi pa niya nakukumpirma kung naganap nga ang momol.

“Sana naman, hindi ito totoo,” lahad niya.

Kaugnay nito, pinayuhan niya ang mga artista na bantayan ang mga sarili tuwing may kasiyahan.

“Heto na naman tayo sa sinasabi ko: kung nakainom, wala naman problema basta sa tiyan lang ang punta ng alak at hindi (sa ulo).

Dapat ay niisip n’yo ‘yung inyong mga career,. ‘Yun ang bread and butter n’yo, makakasira ba ito, ‘yung ganyan? So dapat iniisip ‘yan,” dugtong ni Ogie.

Bukas ang PUBLIKO sa panig nina Joshua, Elise at McCoy.